Paraluman

Adie

Sa unang tingin, agad na nahumaling
Sa nagniningning mong mga mata
Ika′y isang bituin na nagmula sa langit
Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi
Sadya namang nakakabighani
'Di maipaliwanag ang nararamdaman (ooh)

Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika′y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay

Oh, Paraluman
Ika'y akin nang dadalhin sa
'Di mo inaasahang paraiso (hoo-hoo)
Palagi kitang aawitan ng Kundiman
′Di magsasawa, ′di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan (hoo-hoo, hoo-hoo)

Mga gunita na laging naiisip (naiisip)
Sumisilip (sumisilip) ang itinakda ng mahiwaga
Liwanag na dulot mo, nagbigay sinag sa madilim kong mundo (ooh-ooh-oh)
Ibang-iba ako kapag ikaw na ang kapiling
Sumisiping ang buwan at mga bituin
Na para bang sumasang-ayon sa atin ang kalawakan (kalawakan)

Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika'y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay (hoo-hoo)

Oh, Paraluman
Ika′y akin nang dadalhin sa
'Di mo inaasahang paraiso (paraiso, hoo-hoo)
Palagi kitang aawitan ng Kundiman
′Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan (hoo-hoo, hoo-hoo)

Para-pa-pa-para-Paraluman (hoo-hoo, hoo-hoo)

Himig ng tadhana (ah, ah)
Sa atin ay tumutugma na (tumutugma na)
Himig ng tadhana (ah, ah)
Sa atin ay tumutugma na (tumutugma na)
Himig ng tadhana (ah, ah)
Sa atin ay tumutugma na (ooh-ooh-ooh, hoo-hoo, hoo)

Oh, Paraluman
Ika′y akin nang dadalhin sa
'Di mo inaasahang paraiso
Palagi kitang aawitan ng Kundiman
'Di magsasawa, ′di ka pababayaan
Isasayaw kita, mamahalin kita
Hanggang sa walang hanggan (hoo-hoo, hoo-hoo)