Kursunada

Adie

′Wag mo na sanang pabitinin pa
Kung patungo lang din tayo
Sa inaasam na hangganan (hmm-mmm)
Oh-oh-oh, 'wag ka nang magpakipot pa
Kitang-kita ang lapot sa mga matang
Mapanlinlang (mapanlinlang)

Tila hiwatig ay kaaya-aya
Talaga ba o nagpapahalata lang
Para ba ika′y sundan nang sundan? (Ooh-ooh-ooh)
Hiling ko'y, whoa-oh-oh

Kung mapagbibigyan
'Di hahayaang masayang (ooh-ooh-ooh)
′Di na ako magpapaligoy-ligoy pa (′kaw ang kursunada)
Basta ikaw lang, sapat na, hmm-mmm

Pinapanalangin ka palaging mapasa'kin
Hihintayin ang mga pangitaing
Hinahanap-hanap mo na ang paglingap ko
Na tila hindi matutumbasan ng iba
′Pagkat alam mong isang tawag mo lamang
Agad akong patungo sa 'yo, sa ′yo
Makiramdam ka naman
Hiling ko'y, oh-oh-oh

Kung mapagbibigyan
′Di hahayaang masayang (ooh-ooh-ooh)
'Di na ako magpapaligoy-ligoy pa
'Di matutulad sa mga naunang
Sinubukan, oh, mong pagbigyan
Susuyurin bawat daan (′kaw ang kursunada, ′kaw ang aking kursunada)
Mapasaakin ka lang