Mahika

Adie , Janine Berdin

Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa ′kin
Tila mayro'ng pahiwatig, ako′y nananabik
'Di naman napilitan, kusa na lang naramdamanAng 'di inaasahang pag-ugnay ng kalawakan

Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso

Giliw, ′di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, amin mo, oh
Giliw, nagpapahiwatig na sa ′yo
Ang damdamin kong napagtanto na gusto kita

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan
Binibigyang-kulay ang larawan na para bang
Ikaw ang nag-iisang bituin, nagsisilbing buwan na kapiling mo
Sa likod ng mga ulap, ang "tayo" lamang ang tanging magaganap

Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso

Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, amin mo
Giliw, nagpapahiwatig na sa ′yo
Ang damdamin kong napagtanto na gusto kita

Gusto kita, gusto kita
Gusto kita, gusto kita
Ano'ng salamangkang mayro′n ka? (Gusto kita, gusto kita)
Binabalot ka ng mahika (gusto kita, gusto kita)
Ano'ng salamangkang mayro′n ka? (Gusto kita, gusto kita)
Ako'y nabihag mo na

Ako na nga'y nabihag mo na
Hindi naman talaga sinasadya
′Pagkat itinadhana yata tayo para sa isa′t isa
Giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo
Ang da-da-da-damdamin ko
Da-da-ra-da, da-damdamin ko

Giliw, giliw
Giliw, napagtanto na gusto kita