Hiwaga

Wolfgang

Anong lihim ang dala ng ihip ng hangin

unang langhap ng simoy

na nagbibigay buhay sa akin

iba't ibang kulay

iba't ibang mukha

iba't ibang daan tungo sa hiwaga

ang sikat ng araw ay kumukinang

sa pagusbong ng bungang sinisinangan

malawak na dagat galin lang sa ulan

buhay ay parang matarik na hagdan

kay daming umaasa maraming lumuluha

mahaba ang daan tungo sa hiwaga

unang yakap ng iyong ina

unang luha ng iyong mata

unang salita na nabigkas

unang hakbang ng iyong paa

unang patak ng iyong dugo

paalam na sa iyo