Paruparo
Kay gandang pagmasdang paruparo
Hiwagang taglay ng aninoKay ningning ng labi, oh, paano?
Paruparo
Kay gandang pagmasdang paruparo
Ngiting malabituin, oh, kanino?
Tamis na nagmula sa ′yo
Namumulaklak, sayang namumukadkad
Huli'y nadudugtungan, simulang palaisipan
′Di mapapantayan, 'di mapapalitan
Dalhin mo ako sa dilim
Sa tagong palasyong nasa salamin
Oh, dalhin mo ako sa dilim
Habang dahan-dahang mundo'y angkinin
Paruparo
Kay gandang pagmasdang paruparo
Init ng mga kapit mo
Oh, dinadala ako
Namumulaklak, sayang namumukadkad
Huli′y nadudugtungan, simulang palaisipan
′Di mapapantayan, 'di mapapalitan
Dalhin mo ako sa dilim
Sa tagong palasyong nasa salamin
Oh, dalhin mo ako sa dilim
Habang dahan-dahang mundo′y angkinin
Oh, tila paulit-ulit mo akong inaakit
Kaya't hayaang ika′y dalhin
Sa kalawakang 'di napapansin
Lapit, init, lambing sa ′yong kapit
Mga mata'y tila sa aki'y umakit
Ikaw ang una, gitna at hulihan
Hanapin ang diwa magpakailanman
Lambing ng ′yong hangin
Ikaw ang aking munting dalangin
Lunurin sa ′yong kahiwagaan
Puso'y wala namang kalaban-laban
Ikaw ang binhing paninindigan
Kahit guni-guning ′di maintindihan