Dalangin

Sugarcane

Lahat ng hapdi′y nakalimutan
Pinawi maging ang kalungkutan
Makapigil-hininga na kagandahanUunahin ka maging kahit kanino man

Bukang-liwayway sa kalupaan
Tila abot-kamay na ang kalangitan
Tunay ngang wala kang kapintasan
Kung ako'y hahayaan, hindi ka na bibitawan

Oh, kay tagal kang hinintay
Napagod kong puso′y sa 'yo na mahihimlay

Dalangin, oh, aking dalangin
Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo
Yakapin, hayaang yakapin
Sa oras na ika′y bigo, sa ′yo'y hinding-hindi susuko

Hiwaga na hindi namamaalam
Biyayang tinuturing ng mangilan-ngilan
Maaari bang sa piling ko′y manahan?
Natatanging kayamanang matuturing na tahanan

Oh, kay tagal kang hinintay
Napagod kong puso'y sa ′yo na mahihimlay

Dalangin, oh, aking dalangin
Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo
Yakapin, hayaang yakapin
Sa oras na ika′y bigo, sa 'yo'y hinding-hindi susuko

Dalangin, oh, aking dalangin
Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo′y magkakatagpo
Yakapin, hayaang yakapin
Sa oras na ika′y bigo, sa 'yo′y hinding-hindi susuko

Hinding-hindi susuko

Daftar lirik lagu Sugarcane