Siguro Nga

Sponge Cola

Sa tuwing ako′y dumarating, ika'y palaging paalis
Daan may laging salubong, titig ′di dumaraplis
Hanggang kailan magtitiis na walang sinasabi?
Kung ano man tayo noon, anong luwang, anong higpit
Mga panahong binuhos ko, kinaya kong gawing lihim
Hanggang kailan magtitiis, wala pa ring sinasabi? Ah

Siguro nga, ikaw ang habang-buhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit, wala ka na, ah-ah

Aaminin ko ang totoo, 'wag ka lang maiilang sa akin
Mga salitang 'di mabuo, umuulan sa aking isip
Tumatagos na sa bubong, tumatalsik sa aking dingding, ah

Siguro nga, ikaw ang habang-buhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit, wala ka na, ah-ah

Siguro nga, ikaw ang habang-buhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit, wala ka na

Nalingat saglit, wala ka na
Nalingat saglit, wala ka na
Nalingat saglit, wala ka na

Nalingat saglit, wala ka na
Nalingat saglit, wala ka na
Nalingat saglit, wala ka na

Kaya hanggang ngayon
Kahit lumipas na ang pagkakataon
′Pag naririnig ko ang pangalan mo
Ako′y ngumingiti't pumipikit