Nakapagtataka

Sponge Cola

Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Mula nang tayo′y nagpasiyang maghiwalay
Nagpaalam 'pagkat hindi tayo bagayNakapagtataka

Kung bakit ganito ang aking kapalaran
′Di ba ilang ulit ka nang nagpaalam?
Bawat paalam ay puno ng iyakan
Nakapagtataka (nakapagtataka)

Hindi ka ba napapagod
O 'di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhan
Walang-hanggang katapusan?

Napahid na′ng mga luha
Damdamin at puso′y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman

Walang tigil ang ulan at nasaan ka, araw?
Napa′no na'ng pag-ibig sa isa′t isa?
Wala na bang nananatiling pag-asa?
Nakapagtataka (saan na napunta?)

Hindi ka ba napapagod
O 'di kaya′y nagsasawa
Sa ating mga tampuhan
Walang hanggang katapusan?

Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na ′kong maramdaman

Napahid na′ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na ′kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't ′di tayo magkasunduan?
Oh-whoa, whoa-oh