P.s. I Love You

Sharon Cuneta

Kahit ano pa ang sa akin ay gawin

Dahil mahal ka'y handa kong tiisin

Kahit mo saktan, 'di ko papansinin

Ang pagluha ko'y huwag mong intindihin ...



Ang pag-ibig daw ay krus na kay bigat

Ang layuan ka'y payo nilang lahat

'Di ko magawa, mahal kitang tapat

P.S. I love you

'Yan ba'y 'di pa sapat? ...



Chorus:

P.S. Mahal na mahal kita

P.S. I love you walang iba

At huwag kang mag-alala

'Di ako padadala

Sa sinasabi nila sinta ...



Kung mangyari man, mayro'n kang mahalin

Na sa tingin mo'y higit pa sa akin

Magpakailanman, puso ko'y tanungin

P.S. I love you, magpahanggang libing ...

(Repeat chorus & last stanza)



Coda:

Magpahanggang libing ...