Kahit Kailan

Sharon Cuneta

Nagtatanong ang isip

Hindi raw maintindihan

Kung ano'ng nararamdaman

Dapat mong malaman

Sa puso ko'y ikaw lamang ang nag-iisa



Pangangamba, dapat bang isipin?

Walang hanggan, asahan mo na



Kahit kailan, di kita maaaring iwan

Kahit kailan, di kita pababayaan

Kahit kailan, kahit kailan

Di magbabago



Bulong ng 'yong damdamin

Pag-ibig na walang hanggan

Ang siyang nais mong makamtan

Ngayon ay narito ako

Handang umibig sa iyo

Na walang katapusan



Kung ikaw ay mawawala sa piling ko

Di na alam kung kakayanin pa kayang

Umibig pang muli

Kahit na ano pang mangyayari

Di maaaring ipagpalit

Sasamahan pa kita hanggang sa huli

Kahit kailan...