Ulan

Rivermaya

hiwaga ng panahon

akbay ng ambon

sa pyesta ng dahon

ako'y sumilong

daan-daang larawan ang nagdaraan sa aking paningin

daan-daang nakaraan ibinabalik ng simoy ng hangin

tatawa na lamang o bakit hindi

ang aking damdamin pinaglalaruan ng baliw at ng ulan

at sinong di mapapasayaw ng ulan

at sinong di mababaliw sa ulan

hinulog ng langit

ang siyang ng ampon

libo-libong alaala dala ng ambon