Nerbyoso

Rivermaya

Isang gabing kasama ka

Walang ginagawang iba

Kundi mag-usap sa mata



Bigla akong tinawag

Uwian na pala

Pag-lingon ko'y wala ka na

Ilang gabi na 'kong lubhang nagdaramdam

Kahit pangalan mo'y hidi ko pa alam



Sasabihin ko na sana't

Aaminin sa iyo

Lahat lahat ng itinatago ng

Puso kong

Alipin ng kaba

Alam mo naman tayo

Walang magawa

Nerbyoso…



Nais ko sanang makapiling kang muli

Kahit saglit lang kahit lamang sandali

Pagka't ilang gabi na 'kong nagdaramdam

Pa'no kung di ka na muling matagpuan

ilang gabi na 'kong lubhang nagdaramdam

kase mahal kita hindi mo pa alam