Gusto Ko Nang Bumitaw

Morissette

Umiiyak gabi-gabi
Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunanHanggang kailan?
Talo na, pagod na
Akala ko′y ika'y sa akin pa pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga?

Naglalagalag sa kadiliman
Naliligaw, nalilito
Ano nga ba ako sa ′yo?
Sino nga ba ako sa 'yo?
Dito sa aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Walang kasinglungkot
Walang kasingsakit

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino ba'ng dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw, oh, oh

Kung kalungkutan ko′ng kaligayahan mo
Kung pagkagapos ko′y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso ko'ng siyang lunas diyan sa puso mo
Paano na ako?
Magpaparaya ba?
Papakawalan na lamang ba kitang buo sa loob?
Pinanghihinaan na ng loob

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino ba′ng dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw, oh, oh
Gusto ko nang bumitaw, oh, oh-oh-oh

Humahagulgol ngunit wala namang nakikinig
Walang magandang pupuntahan
Kailanman ang maling pag-ibig
Kaya ngayon, pipiliin ko muna ang aking sarili
Bago magmahal muli
Magmamahalan pa kaya?
Magmamahalan pa kaya tayong muli?

Oh, oh, oh, oh
Oh, oh-oh, oh-oh-oh

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso (oh)
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino ba'ng dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw, oh, oh
Gusto ko nang bumitaw, oh, oh

Gusto ko nang bumitaw, bumitaw, bitaw
Gusto ko nang bumitaw
Pipiliin ko na′ng sarili
Bibitaw, bibitaw na