Di Mapaliwanag

Morissette

′Di mapaliwanag, 'di mapaliwanag

Sadya nga ba o tadhana na?Mula nang ikaw ay nakita, sinta
Kislap ng ′yong mata ay nadarama
Na ikaw na nga, na ikaw na nga

At sa paningin 'pag ikaw ay wala
Sa isip ay laging nag-aalala
Labis ang tuwa 'pag narito ka
Ikaw na ba? Ikaw na ba?

Sa ′yong tabi, ang puso′y 'di mapakali
Ngunit ′di mapaliwanag, 'di mapaliwanag
Pag-ibig sa ′yo'y tumitindi
Ngunit ′di mapaliwanag, 'di mapaliwanag

Sana ay 'wag nang matapos pa
Ang pag-ibig na ating nadarama
Pag-ibig ba′y pakpak at parang lumilipad
Ikaw na nga, ikaw na nga

Sa ′yong tabi, ang puso'y ′di mapakali
Ngunit 'di mapaliwanag, ′di mapaliwanag
Pag-ibig sa 'yo′y tumitindi
Ngunit 'di mapaliwanag, 'di mapaliwanag

Ilang ulit nang sinubukan
Pag-ibig ba′y sadyang kay hirap maintindihan?
At giliw, sana′y ingatan ang pagmamahal
At 'wag masayang, pag-ibig na nilalaan

Sa ′yong tabi, ang puso'y ′di mapakali
Ngunit 'di mapaliwanag, ′di mapaliwanag
Pag-ibig sa 'yo'y tumitindi
Ngunit ′di mapaliwanag, ′di mapaliwanag

Sa 'yong tabi, ang puso′y 'di mapakali
Ngunit ′di mapaliwanag, 'di mapaliwanag
Pag-ibig sa ′yo'y tumitindi
Ngunit 'di mapaliwanag, ′di mapaliwanag