Titibo

Moira Dela Torre

Elementary pa lang, napapansin na nila
Mga gawi kong parang hindi pambabae, eh, kasi
Imbes na Chinese garter, laruan ko ay teks at jolensTapos ka-jamming ko lagi noon, mga sigang lalaki sa amin

No′ng ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi
Curious na babae na ang hanap din ay babae
Sa halip na make-up kit, bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na t-shirt at faded na lonta

Pero noong makilala kita
Nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond
At mag-ahit ng kilay at least once a month

Hindi ko alam kung ano′ng mayro'n ka
Na sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sino'ng mag-aakalang lalake pala
Ang bibihag sa tulad kong tigreng gala?

Kahit ako′y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa ′yo
Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat
Ng araw-araw mong pag-ibig sa 'king buhay, nagpapasarap

No′ng tayo'y nag-college ay saka ko lamang binigay
Ang matamis na oong sampung buwan mong trinabaho
Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte
Nabihag mo ′ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe

Kaya nga noong makilala kita
Alam mo na agad na mayro'ng himala
Natuto akong magtakong
At napadalas ang pagsuot ng bestidang pula

Pero ′di mo naman inasam
Na ako ay magbagong tuluyan para patunayang
Walang matigas na tinapay
Sa mainit na kape ng iyong pagmamahal

Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa 'yo
Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat
Ng araw-araw mong pag-ibig sa ′king buhay, nagpapasarap