Kahit Kunwari Man Lang

Agsunta , Moira Dela Torre

′Sang lihim ang pagtingin sa 'yo
Sa tago lang ang pag-ibig ko
Dahil sa lihim, hinding-hinding-hindi ka lalayo
Ngayon na may nagpapaligaya na
Sa lihim na lang binaon ang luha
Pinilit-pilit-pilit maging masaya

Kahit kunwari man lang
Inamin lang sana′ng nararamdaman
Kahit sandali man lang
Sa 'yong mga ngiti, ako'ng dahilan

Kahit saglit man lang
Sana sinabing ayokong kaibigan lang
Kahit kunwari man lang
Kahit kunwari man lang

Mga ngiti mo′y kaligayahan ko
Lahat ng narating, ′pinagdiriwang ko
Mga pangarap mo'y unti-unti-unting nabubuo

Sa bawat pag-angat, nasa likod lang ako
Ngunit ngayon, sa tuktok nito
Hindi pala ako ang katabi mo

Kahit kunwari man lang
Inamin lang sana′ng nararamdaman
Kahit sandali man lang
Sa 'yong mga ngiti, ako′ng dahilan

Kahit saglit man lang
Sana sinabing ayokong kaibigan lang
Kahit kunwari man lang
Kahit kunwari man lang

Nais ko sanang sabihin
Mahal kita, 'yan ang pagturing
Ngunit ′di higit pa sa kaibigan

'Di naman kita sinasadyang masaktan
Tadhana'y ′di naman kayang pigilan
Paalam, kaibigan, hanggang dito na lang

Kahit kunwari man lang
Inamin lang sana′ng nararamdaman
Kahit sandali man lang
Sa 'yong mga ngiti, ako′ng dahilan

Kahit kunwari man lang
Inamin lang sana'ng nararamdaman
Kahit sandali man lang
Sa ′yong mga ngiti, ako'ng dahilan

Kahit saglit man lang
Sana sinabing ayokong kaibigan lang (kailangang sabihin ika′y kaibigan lang)
Kahit kunwari man lang ('di maaari)
Kahit kunwari man lang

Daftar lirik lagu Agsunta