Kayo po na nakaupo
Subukan niyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw ninyoAng tunay na kalagayan ko (ganito kasi ′yan, eh)
Tao po, nandiyan po ba kayo sa loob
Ng malaking bahay at malawak na bakuran?
Mataas na pader, pinapaligiran
At nakapilang mga mamahaling sasakyan
Mga patay na laging bulong nang bulong
Wala namang kasal pero marami ang nakabarong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay ′singputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko, sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na 'pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang, siya ay aking sisigawan
Kayo po na nakaupo
Subukan niyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko
Mawalang-galang lang po sa taong nakaupo
Alam niyo bang pangtakal ng bigas namin ay ′di puno?
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na ′di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit ang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero
Na nagagamit lang ′pag ang aking ama ay sumuweldo
Pero kulang na kulang pa rin, ulam na tuyo't asin
Ang singkuwenta pesos sa maghapo′y pagkakasiyahin
'Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod o nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo kaya-
′Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y 'wag magalit, oh
Bato-bato, bato sa langit
Ang matamaan ay ′wag masyadong halata
′Wag kang masyadong halata
'Wag kang masyadong halata
′Wag kang masyadong halata