Kahit sa patalim kumapit, isang tuka, isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana, isang maling akalaNa ang taliwas, kung minsan ay tama
Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
May gatas ka pa sa labi
Gusto nang maghari dito sa Tondo?
Minsan, sa isang lugar sa Maynila
Maraming nangyayari, ngunit takot ang dilang
Sabihin ang lahat, animo′y kagat-kagat
Kahit itago'y ′di mo pwedeng pigilin ang alamat na umusbong
Kahit na madami ang ulupong
At halos hindi iba ang laya sa pagkakulong
Sa kamay ng iilan, umaabusong kikilan
Ang lahat ng pumalag, walang tanong ay kitilan ng buhay
Hukay, luha'y magpapatunay
Na kahit hindi makulay, kailangang magbigay-pugay
Sa kung sino ang lamang, mga bitukang halang
At kung wala kang alam ay yumuko ka na lang
Hanggang sa may nagpasiya na sumalungat sa agos
Wasakin ang mga kadena na s'yang gumagapos
Sa kuwento na mas astig pa sa bagong tahi ng lonta
Sabay-sabay nating hawiin ang tabing na tolda
Kahit sa patalim kumapit, isang tuka, isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana, isang maling akala
Na ang taliwas, kung minsan ay tama
Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Sino ang may sabi sa inyong pumasok kayo sa teritoryo ko?
Amin ang lupang ito
Hindi, kay Asiong!
Nilusong ang kanal na sa pangalan n′ya′y tumawag
Alang-alang sa iba, 'tsaka na muna ang paawat
Sa maling nagagawa na tila nagiging tama
Ang tunay na may kailangan ang s′yang pinatatamasa
Lahat sila'y takot, nakakapaso ang ′yong galit
Mga bakal na may nagbabagang tinggang papalit-palit
Sa hangin na masangsang, nakakapanghina ang nana
At hindi mo matanggal na para bang sima ng panang nakakulawit
Subalit sa kabila ng lahat
Ay ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak
Ang s'yang tanging naghahatid sa kanya sa katinuan
At hindi ipagpapalit sa kahit na sino man
Ngunit nang dumating ang araw na gusto na n′yang talikuran
Ay huli na ang lahat, at sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tingga, tumulo ang dugo sa lonta
Ngayon, alam n'yo na ang kuwento ni Asiong Salonga
Kahit sa patalim kumapit, isang tuka, isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana, isang maling akala
Na ang taliwas, kung minsan ay tama
Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo