Kailangan Kita

Gary Valenciano

Sa piling mo lang,

Nadarama ang tunay na pagsinta.

'Pag yakap kita ng mahigpit,

Parang ako'y nasa langit.



Ngunit ito ay panaginip lamang

Pagkat ang puso mo'y labis kong nasaktan

Pakiusap ko ako ay pakinggan



Kailangan kita, ngayon at kailanman

Kailangang mong malaman na ikaw lamang

Ang tunay kong minamahal

At tangi kong hiling ay makapiling ka muli



Ngunit ito ay panaginip lamang

Pagkat ang puso mo'y labis kong nasaktan

Pakiusap ko ako ay pakinggan



Kailangan kita, ngayon at kailanman

Kailangan mong malaman na ikaw lamang

Ang tunay kong minamahal

Ang lagi kong dinarasal



Kailangan kita, ngayon at kailanman

Kailangan mong malaman na ikaw lamang

Ang tunay kong minamahal

Ang tangi kong hiling ay makapiling ka muli



Kailangan kita