N'ong isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang Nanay at Tatay mo'y Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pag-tulog mo
At sa gabi napupuyat ang iyong Nanay Sa pag-timpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka nang iyong Ama Tuwang-tuwa sa 'yo
Ngayon nga'y malaki ka na At nais mo'y maging malaya
Di man sila payag walang magagawa Ikaw nga'y biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip Na ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo
Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo, Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulung sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan
Ang 'yong Inang lumuluha At ang tanong anak Ba't ka nagkaganyan
At ang iyong mga mata'y Biglang lumuha nang di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mo ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mo ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mo ika'y nagkamali.....