Overdrive

Eraserheads

Alam mo, meron akong pangarap sa buhay

Sana, matupad na



Magda-drive ako hanggang Baguio

Magda-drive ako hanggang Bicol

Magda-drive ako hanggang Batangas

Tapos magsu-swimming dun sa beach



Isasama ko ang girlfriend ko

Isasama ko kahit sinong may gusto

Kahit may kasama syang aso

Basta't meron syang baong sariling buto



Magdadala ako ng pagkain

Burger, fries, tapsilog at siopao

Magda-drive ako hanggang Visayas

Magda-drive ako hanggang sa Mindanao



Magda-drive ako buong taon

Magda-drive ako habangbuhay

Magda-drive ako hanggang buwan

Please, please lang turuan nyo akong mag-drive



Gusto kong matutong mag-drive

(Kahit na wala akong kotse)

Gusto kong matutong mag-drive

(Kahit na walang lisensya)

Mag-drive...

Drive...

Drive...



Mag-drive...

Mag-drive...



(Drive)

(Drive)

Drive



Pare, di na mag-start yan

Buti pa kakain na lang tayo

Ah, gusto mo ng, ah, tahong?

Gusto mo ng labong?

Spaghetti?

Patitocini?

Bananaque?

Nilagang suso?

Tahong Chips Ahoy?

Gusto mo ng tapoy?

Burokoli?

Peanut britul, na may pecan?

Gusto mo ng, ah, kapeng barako?

Blue marlin?

Panga? Durian?

Shalinga?

Peanut kisses?

Ah..champuy?

Lomi?

Shawarma?

Buko pie?

Humus?

Hot sauce?

Ox brain? (kelangan mo nun)

Leche flan?

Kalderetang kambing?

Pinatuyong itlog ng kabayo?

Silicon implant?

Ginataang manok?

Ginataang gata?

Ginataang niyog?

Sarap no?

(Di mo nasabi yung susi)

Ginataang susi