Huwag Mo Nang Itanong

Eraserheads

Hika ang inabot ko

Nang piliting sumabay sa 'yo hanggang kanto

Ng isipan mong parang sweepstakes

Ang hirap manalo



Ngayon pagdating ko sa bahay

Ibaba ang iyong kilay

Ayoko ng ingay



Huwag mo nang itanong sa akin

Di ko rin naman sasabihin

Huwag mo nang itanong sa akin

At di ko na iisipin



Field trip sa may pagawaan ng lapis

Ay katulad ng buhay natin

Isang mahabang pila

Mabagal at walang katuturan



Ewan ko hindi ko alam

Puwede bang huwag na lang nating pag-usapan



Huwag mo nang itanong sa akin

Di ko rin naman sasabihin

Huwag mo nang itanong sa akin

At di ko na iisipin



Ewan ko, o hindi ko alam

Puwede bang huwag na lang nating pag-usapan



Huwag mo nang itanong sa akin

Di ko rin naman sasabihin

Huwag mo nang itanong sa akin

At di ko na iisipin



Huwag mo nang itanong sa akin

Di ko rin naman sasabihin

Huwag mo nang itanong sa akin

At di ko na iisipin



Huwag mo nang...

Huwag mo nang...

Huwag mo na...aha..haah...