Patutunguhan

Cup of Joe

Pataas na naman mga alon
Nalulunod sa ′king ilusyon
Ba't gano′n? Sino 'yon?
At ngayon, kaliwa naging kanan
Nang biglang may napadaan
Nagising sa katotohanang 'kaw ang patutunguhan

Mahal, ikaw lang ang nakikita ng bulag kong paningin
Ikaw lang ang ilaw sa dilim

Diretso lang, tingin sa hilaga
Abot-tanaw ang iyong hiwaga
Timog, silangan, at kanluran
Ikaw pa rin ang patutunguhan

Ako′y sumalungat na sa alon
Nakatuon sa ′yong direksyon
Ang tugon sa aking pag-ahon, hmm

Napadpad sa kailaliman ng karagatan
Ika'y nakita at umilaw ang aking daan
Gabay tungo sa ′yong kanlungan

Mahal, ikaw lang ang nakikita ng bulag kong paningin
Ikaw lang ang ilaw sa dilim

Diretso lang, tingin sa hilaga
Abot-tanaw ang iyong hiwaga
Timog, silangan, at kanluran
Ikaw pa rin ang patutunguhan

Ano ma'ng takbo ng panahon (ano ma′ng takbo ng panahon)
Kahit na ako'y biglang matangay (biglang matangay)
Wala mang himlay (wala mang himlay)
Basta ako′y patungo sa 'yo

Diretso lang, tingin sa hilaga
Abot-tanaw ang iyong hiwaga
Timog, silangan, at kanluran
Ikaw pa rin ang patutunguhan

Diretso lang, tingin sa hilaga
Abot-tanaw ang iyong hiwaga
Timog, silangan, at kanluran
Ikaw pa rin ang patutunguhan

Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra

Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra