Kay lamig ng simoy ng hangin
Mga tala′ng yumayakap sa akin
Kasabay ng aking pagpikitSuminag ang pait, pag-asa'y ′di masilip
Sa gitna ng gabing kay dilim
Naghihintay mula takip-silim
'Di susuko sa pagtitiwalang
Ikaw ay makakamtan nang hindi panandalian
Kahit kumpiyansa'y unti-unting nawawala
′Di uubra ang hamon ng duda
Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay na makasama ka
Sa ′king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan
Patuloy na inaasam na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ang tanging hangad ng puso'y ikaw
Makulimlim na pagsikat ng araw
Nananaig na ang boses na bumibitaw
Bingi-bingian na naman
Pilit na tinatakpan, pusong nananawagan
Kay ginaw ng tanghaling tapat
Mga ginagawa′y 'di pa rin sapat
Sumagi sa ′king pag-iisip
Damdami'y kinikimkim, sa sarili′y 'di maamin
Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay na makasama ka
Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan
Patuloy na inaasam na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ikaw ang hangad
Balik takip-silim, sasapit na′ng gabi
Mga bitui′y lumihis, sisikat nang muli
Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim
Puso'y nagising, nag-iisang muli muli
Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay na makasama ka
Sa ′king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan
Patuloy na inaasam na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita (makita ka)
Ang tanging hangad ng puso'y ikaw (mahanap ka, mahuli ka konti, ah-ah)
(Balik takip-silim, sasapit na′ng gabi) ng puso'y ikaw
(Mga bitui′y lumihis, sisikat nang muli) ng puso'y ikaw
(Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim, puso'y nagising)
Nag-iisang muli