Tangi

Arthur Miguel

Sa bawat pagtingin
Sa bawat lambing ng ′yong mga ngiti
Ikaw lamang ang pag-ibig
Ang bawat himig mo
Ang tahanan at ang aking mundo
Asahan mong 'di ka lalayo sa piling ko

At mamahalin kita
Kahit sa′n man tayo dalhin ng tadhana'y
'Di ka mag-iisa

Sa bawat panghuhusga
Sa mga oras na′ng sarili ay wala
Ikaw lamang ang tanging kalma

Sa paglubog ng araw at ilaw ng buwan
Maubos man ang kandila
′Di magbabago, para lamang sa 'yo ang awiting ito

Mamahalin kita
Kahit sa′n man tayo dalhin ng tadhana'y
′Di ka mag-iisa

At tatanggapin kita
Kahit ano pa'ng sabihin nila
Hindi ka mag-iisa

Nandito lang ako
Palagi, gagabay sa ′yo

At mamahalin kita
Ano man ang mangyari sa 'ting dalawa, ah
Ika'y hindi na mag-iisa