Lihim

Arthur Miguel

Humawak ka sa ′kin, sundan aking himig
'Wag nang magtago, ′di naman magbabago
'Di kailangang sabihin, walang dapat gawinOh, aking bituin, ikaw ang hiling

'Wag mong pigilan, hayaan mong kusa
Humawak ka sa ′kin, sundin ang damdamin
Oh, sumama ka sa ′kin, at tayo ay

Sasayaw sa kulog at ulan, iikutin ang tala at buwan
Habang tayo ay naliligaw, pakinggan ang puso, 'wag nang bibitaw
′Wag nang magtagu-taguan, kita naman sa liwanag ng buwan
Ang lihim na pagtingin, kailan aaminin?

Ang ihip ng hangin, dinadala ka sa 'kin
Parang nakaplano pero ′di sigurado
Nakaw mong tingin, sa 'yo lang hihimbing
Ikaw at ako ang nasa likod ng mga ulap

′Wag mong pigilan ('wag mong pigilan), hayaan mong kusa
Humawak ka sa 'kin (hayaan mong kusa), sundin ang damdamin (sundin ang damdamin)
Oh, sumama ka sa ′kin, at tayo ay

Sasayaw sa kulog at ulan, iikutin ang tala at buwan
Habang tayo ay naliligaw, pakinggan ang puso, ′wag nang bibitaw
'Wag nang magtagu-taguan, kita naman sa liwanag ng buwan
Ang lihim na pagtingin, kailan aaminin?

′Wag mong pigilan, hayaan mong kusa
Humawak ka sa 'kin, sundin ang damdamin (sundin ang damdamin)
Oh, sumama ka sa ′kin, at tayo ay

Sasayaw sa kulog at ulan, iikutin ang tala at buwan
Habang tayo ay naliligaw, pakinggan ang puso, 'wag nang bibitaw
′Wag nang magtagu-taguan, kita naman sa liwanag ng buwan
Ang lihim na pagtingin (ang lihim), kailan aaminin?

(Kailan sasabihin? Kailan aaminin?)
(Kailan sasabihin?) Kailan aaminin?