Cool Off

Yeng Constantino

Huwag ka munang magalit
Ako sana′y pakinggan, kindi ko balak ang ika'y saktan
Hindi ikaw ang problemaWala akong iba, ′di tulad ng iyong hinala

Sarili ay 'di maintindihan
Hindi ko malaman, ano ba ang dahilan
Ng pansamantalang paghingi ko ng kalayaan?
Minamahal kita, pero kailangan ko lang mag-isa

Huwag mong isipin na hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa, ah yeah, ah yeah

Huwag ka sanang lumuha
Sana′y intindihin, ito ang dapat nating gawin
Upang magkakilala pa
At malaman kung tayo ay para sa isa′t isa

'Wag mong pigilin ang damdamin
Sa aking pagkawala, makahanap ka bigla ng iba
Nguni′t pakatatandaan na mahal pa rin kita
Pero kailangan ko lang mag-isa

Huwag mong isipin na hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa, ah yeah

Sarili ay ′di maintindihan
Hindi ko malaman, ano ba ang dahilan
Ng pansamantalang paghingi ko ng kalayaan?
Minamahal kita pero kailangan ko lang mag-isa

Huwag mong isipin na hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating...

Huwag mong isipin na hindi ka na mahal
Sarili ko′y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa, ah, yeah

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Ooh, ooh, ooh, ooh