Sino

Unique

Sino ang mag-aakalang mahal kita?
Sino ang maglalahad ng nadarama?
Bakit hindi alam kung bakit?Laging sa akin lumalapit
Kahit minsan, ako′y nagkulang

Sino ang pinagmulan ng 'yong pagngiti?
Sino ang nagnakaw ng iyong sandali?
Bakit hindi alam kung bakit?
Laging sa akin lumalapit
Kahit minsan, ako′y nagkulang

Patuloy kong hahanapin
Kahulugan ng pag-ibig
At habang-buhay na mag-iisa

Sino ang karapat-dapat kong mahalin?
Sino ang pagtutuunan ko ng pansin?
Bakit hindi alam kung bakit?
Laging sa akin lumalapit
Kahit minsan, ako'y nagkulang

Patuloy kong hahanapin
Kahulugan ng pag-ibig
At habang-buhay na mag-iisa

Tayong dal'wa′y magkasama
Sa iisang panaginip
At habang-buhay na mag-iisa

Sino ang karapat-dapat kong mahalin?
Sino ang pagtutuunan ko ng pansin?
Bakit hindi alam kung bakit?
Laging sa akin lumalapit
Kahit minsan, ako′y nagkulang

Sino?
Sino?
Sino?
Sino?

Sino?
Sino?
Sino?
Sino?

Daftar lirik lagu Unique