Celeste

Tothapi

′Di kita matitiis
Kahit na ako ay mainis sa'yo
Ako′y manunuyo pa rinSa mga araw na ika'y matampuhin

Dahil ikaw ang aking tahanan
Ikaw pa rin ang aking uuwian

Pilit mang itulak palayo
Hihilahin ng tadhana pabalik sa'yo
Dahil sa minsan mong pag-ngiti
Alam kong ako′y manantili

Dahil ikaw ang aking kanlungan
Ako naman ang iyong sandalan

Umabot man sa puntong kailangan mo akong iwan
Ay bibitaw na rin labag man sa′king kalooban
Dahil ika'y aking mahal

At kung may susunod mang buhay para sa atin
Hihilinging makilala muli
Ikaw pa rin ang aking uuwian

Daftar lirik lagu Tothapi