Hanggang Dito Na Lang

Tj Monterde

Akala ko′y habang-buhay tayo
Akala ko'y hanggang dulo
Kay haba pa ng kalsadaDito na ba tayo bababa?

Kung ganito na nga ba′ng usapan
Kung dito na ang hangganan
Dapat sigurong iwasan
Ang mga minsang kamustahan

Mga nakasanayan
Dapat nang kalimutan
Upang 'di tayo magkasakitan

Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Ikaw ba ang nagbago o ako, o tayo?
Baka tayo?

Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Kung tunay ang paalam
'Wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
Hanggang dito na lang

Akala ko′y habang-buhay ang awit
Akala ko′y hanggang langit
Kay haba pa ng kantahan
Dito na ba tayo tatantan?

Kung ganito na nga ba'ng tadhana
Sarang pinto at bintana
Dapat sigurong iwasan
Ang pagkatok sa ′ting nakaraan

Mga nakaugalian
Dapat nang pagbawalan
Sunugin na ang mga larawan

Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Ikaw ba ang nagbago o ako, o tayo?
Baka tayo

Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Kung tunay ang paalam
'Wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
Hanggang dito na lang