Galit Sa Mundo

Teeth

Bakit ba may mga taong

Mayroong sariling mundo

Lahat ng tama'y laging mali sa inyo

Lahat ng uso'y baduy sa inyo



'di nakuntento

Nangdamay pa kayo

Katahimikan ko'y ginugulo ninyo

Anak ng tokwa ano bang gusto mo

Oy! maghanap ka na lang ng ibang mundo



Ganyan ang buhay sa mundo

May taong 'di kuntento

'yan ang taong walang kwenta

Puro kwentong walang istorya

Sawa ka na ba sa buhay mo

(pare / 'tol / tsong)

Galit ka ba sa mundo



Pati gobyerno'y tinitira n'yo

Sa susunod na halalan ikaw n'ang tumakbo

Mali ng iba'y pinupuna ninyo

Humarap sa salamin tignan ang sarili mo