Kundiman

Silent Sanctuary

Para kang asukal
Singtamis mong magmahal
Para kang pinturaBuhay ko, ikaw ang nagpinta

Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot
Na yumayakap sa tuwing ako′y nalulungkot

Kaya't ′wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

'Di baleng maghapon pang umulan
Basta′t ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan

Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko nang magsawa
Hinding-hindi magsasawa sa ′yo

Kaya't ′wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko

Bahala na
Ayoko munang magsalita
Hayaan na muna natin ang daloy ng tadhana

Kung ′di man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo

Kung hindi man tayo hanggang dulo
′Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo

Dahil ang tanging panalangin
Dahil ang tanging panalangin
Ay ikaw
Ay ikaw
Ay ikaw
Ay ikaw