Ituloy Mo Lang

Siakol

Noong bata ka pa, si Darna ang ginagaya
Minsan nama′y nagbi-bistida
Maging sa laruan, manika ang napag-tripanAyaw mo ng baril-barilan

'Di ka nila sinasali
Hindi ka raw tunay na lalaki

Gusto ng tatay mo na ika′y mag-sundalo
Pero babae ang puso mo
Kahit lunurin ka wala ring napala sila
Nu'ng sabi mong ika'y sirena

′Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila

At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka pang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga, ikaw ay masaya
′Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema

Walang pumapansin sa natatangi mong galing
Mas madalas ka pang laitin
Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
Nguni't walang rumirespeto

Lagi na lang isipin
Sila na lang ang unawain

At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka pang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga, ikaw ay masaya
′Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema

Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila

At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka pang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga, ikaw ay masaya
'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema

At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka pang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga, ikaw ay masaya
′Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema

Sila'ng lumalait, sila′ng mahilig manakit
Sila'ng 'di pupunta sa langit
Sila′ng nanglalait, sila′ng mahilig manakit
Sila'ng ′di pupunta sa langit