LIHAM

SB19

Ang aking mundo ay payapa
Sa ′di malamang dahilan
At noon ay buo kong inakalaLahat ay ayos na naman

Nang bigla na lang ay dumating ang 'di hinantay
Nagbabalat kayong himala, oh, oh, oh
Mga pasan ay gumaam, ikaw ang tanging dahilan
Sa ′yo lang napuno ng kasiguraduhan

Narito ako, tapat lang at totoo
Pinapangako sa iyo, oh

Ito ang aking liham sa pag-ibig ko
'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano
Ikaw lang ang himpilan ng aking puso
Sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao
Ligaya ng aking mundo

Oh, kay rami ng mga bagay
Na hindi natin maintindihan
Sa kabila ng lahat ay pilit nating binabalikan

Mga panaginip na inaasam
Ako′y binuo ng mabuti′t masamang karanasan
Puno man ng mantsa'y tinuring karangyaan

At gano′n-gano'n na lang
Pagmamahal mo ay walang (oh)
Anumang pag-aabang kaya habang

Narito ako, magpapagal para sa iyo
Handang isuko ang buo, oh

Ito ang aking liham sa pag-ibig ko
′Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano
Ikaw lang ang himpilan ng aking puso
Sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao
Ligaya ng aking mundo

Paano kaya kung hindi tayo nagkita?
Ang buhay ko′y matatawag pa nga bang buhay?
Sa layo ng bituin, ang tingnan ito'y pagtingin
Sa nakaraang 'di gunitang tunay
Oh, paumanhin, wala ka man sa alaala ko′y
Habang-buhay kitang mamahalin, yeah

(Iginugumon ng bituin, ikaw lang ang siyang mamahalin)
Mamahalin, yeah
(Ito ang aking paumanhin, habang-buhay kang mamahalin)
Ooh-ooh-ooh, oh-oh, ooh-ooh, whoa-oh
(Iginugumon ng bituin, ikaw lang ang siyang mamahalin)
Mamahalin
(Ito ang aking paumanhin, habang-buhay kang mamahalin)

Ito ang aking liham sa pag-ibig ko
′Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano, oh-oh-oh-oh

Liham sa pag-ibig ko
Pinapangako na ang bituin ko ay para lang sa 'yo
Ikaw lang ang himpilan ng aking puso
Maging sa hinaharap o nakaraan ikaw lang at ako
Ang aking mundo, whoa, oh-oh-oh-oh, whoa, whoa, yeah
Ligaya ng aking mundo