Ulap

Rob Deniel

Nag-iisa, nakadungaw
Sa bintana; ako ba′y nagkulang?
Nakaupo, lumalayoSa tukso, upang 'di na magulo

Isasayaw ka sa ulap
At mag-uusap, hindi manghuhula
Isasayaw ka sa ulap
Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan

Nagkamali ba ako sa ′yo?
Nananatiling blangko ito (blangko ito)
Naririnig ang tinig mo
Nabubuong muli ang pag-ibig ko (ang pag-ibig ko)

Isasayaw ka sa ulap
At mag-uusap, hindi manghuhula
Isasayaw ka sa ulap
Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan

Oh, gusto kang makasama
Ako na ang bahala
Huwag ka lang mawalay
Atin nang kulayan ang ating mundo

Tumingin sa akin
Langhapin ang hangin
Bakit ba nasanay?
Isip ay nadadamay sa puso

Isasayaw ka sa ulap
At mag-uusap, hindi manghuhula
Isasayaw ka sa ulap
Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan

Nag-iisa, nakadungaw