Kung ang tinig mo′y 'di naririnig
Ano nga ba′ng halaga ng buhay sa daigdig?
Darating ba ang isa ngayon at magbabago ang panahonKung ang bawat pagdaing ay laging pabulong?
Aanhin ko pa dito sa mundo
Ang mga matang nakikita'y 'di totoo?
May ngiting luha ang likuran at paglayang tanong ay kailan
Bakit ′di natin isabog ang pagmamahal?
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya′t gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi, iisa lang ang ating lipi
Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo?
Pang-unawang tunay ang s′yang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nand′yan sa palad mo
'Di ba′t ang gabi ay mayro'ng wakas?
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat, iilawan ang ating landas
Nang magkaisa bawat nating pangarap
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi, iisa lang ang ating lipi
Bakit ′di pagmamahal ang ialay mo?
Pang-unawang tunay ang s′yang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nand′yan sa palad mo, oh
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi, iisa lang ang ating lipi
Bakit ′di pagmamahal ang ialay mo?
Pang-unawang tunay ang s'yang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa′y nand'yan sa palad mo