Muli

Parokya Ni Edgar

Kay bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan
Na ako pala′y iiwan mo ng gano'n na lang
Kahit na anong gawin′Di kayang tanggapin
Ng puso at isipan na ika'y lilisan

Maari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay makapiling ka
Muli kang masilayan
At muli kang mahagkan
Sana'y ′di na iwan pang muli

′Di ko sinasadya na ikaw ay masaktan
Kaya't sana naman ay ′yong maintindihan
Na ako ay nagsisisi at nangangako sa 'yo
Na hindi ka na luluha pa muli sa piling ko

Maari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay makapiling ka
Muli kang masilayan
At muli kang mahagkan
Sana′y 'di na iwan pang muli

′Di na ba mapagbibigyan
Bakit 'di maunawaan

Maari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay makapiling ka
Muli kang masilayan
At muli kang mahagkan
Sana'y ′di na iwan pa...

Maari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay patawarin mo
Ako ay nagsisisi, at nangangako sa ′yo
'Di ka na luluha pang muli...