Kung Aaminin Mo

Orient Pearl

Ayoko nang umasa pa muli
Ayoko nang muling magkamali
Kung ang paglayo ng ′yong damdamin'Di na maikubli

Para anong ipilit pa ito
Kailangan lang sabihin mong
Kung ang pagmamahal ggayon sa akin ay balat-kayo

Walang halagang kasama ka
Kung wala na ang sigla
At ang dati mong pagtingin
Ay kumupas na

Sadyang di biro ang sakit
Sa buhay ko′y 'kay mawaglit
Ngunit walang magpapanggap na
Mababawi pa ang pait

Kung aaminin mo
Handa ako na magparaya sa iyo
Kung aaminin mo
Handa ako na magparaya sa iyo

Sapat na ang minsa'y nabigo
Tunay na nagmahal at nalayo
Para aking madama
Ang bawat lihim na tagpo

Hindi ko na iisipin pa
Kung bakit nawili sa iba
At kung aaminin mong lahat
Ika′y malaya na

Kung aaminin mo
Handa ako na mgparaya sa iyo
Mali mang isipin
Ang mawalay ka sakin
Kung wala sa damdamin mo

Ngunit di ko makaya ang ika′y makasama
Parang kathang isip lang

Kung aaminin mo
Handa ako na magparaya sa iyo
Kung aaminin mo
Handa ako na magparaya sa iyo