Sa Hindi Pag

Munimuni

Kakalimutan na kita
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
Napag-isipan mo na ba?Dahil kakalimutan na kita

Heto na
Heto na

Kakalimutan ko na rin
Mga sinabi mong wala palang ibig sabihin
Pati na rin ang ′yong ngiti
At mga luha sa 'yong paghikbi

Heto na
Heto na

Buburahin na sa isip
Ang hugis ng iyong mga mata sa ′yong pagtawa
Kung pa'no ka ba manamit
Pati kung pa'no ka ba umidlip

Heto na
Heto na
Heto na
Heto na

Paalam na nga ba?
Kung hindi na tayo magkikita
Nawa ay mangyaring
Hilahin tayo ng kamay ng Diyos
Sa isang pagkikita
Sa isang pangitain

Kakalimutan na kita
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
Napag-isipan mo na ba?
Dahil kakalimutan na kita

Heto na