Sa'yo

Munimuni

Ang buhok mo′y parang gabing numinipis
Sa pagdating ng madaling-araw
Na kumukulay sa alapaap
Ang ngiti mo'y parang isang tala
Na matagal na ang kinang
Ngunit ngayon lang nakita kung kailan wala na

Kailan kaya mahahalata
Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa?
Kahit mawala ka pa
Hinding-hindi mawawala
Ang damdamin ko′y sa 'yong sa 'yo

Ang buhay mo′y parang kandila na
Pumapawi sa kadiliman ng gabing puno
Ng dalita at ng lagim

Bawat segundo ay natutunaw
Tumutulo parang luha
Humuhugis na parang mga puting paruparo

Kailan kaya mahahalata
Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa?
Kahit mawala ka pa
Hinding-hindi mawawala
Ang damdamin ko′y sa 'yong sa ′yo

Sa 'yong sa ′yo
Sa 'yong sa ′yo
Sa 'yong sa 'yo
Sa ′yong sa ′yo

Ni isang beses ay hindi pa 'ko
Nakakakain ng paruparo
Ngunit tila bakit ang sikmura ko′y puno?

Saka ko naalala na noon
Nang una kong masabi ang pangalan mo
Nakalunok ako, kaya siguro?

Kailan kaya mahahalata
Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa?
Kahit mawala ka pa
Hinding-hindi mawawala
Ang damdamin ko'y sa ′yong sa 'yo

Sa ′yong sa 'yo
Sa 'yong sa ′yo
Sa ′yong sa 'yo
Sa ′yong sa 'yo