Hindi Mo Alam

Mei Teves

Hindi mo lang alam
Nandito lang ako
Hindi mo lang alam
Nandito lamang ako

Nakatago sa pader ng paglilihim
Ramdam kong ligtas ang aking pagtingin dito
Kung saan payapa ang loob kong
Nag-aabang lang sa muling pagpapakita mo

Hindi mo lang alam
Nandito lang ako
Hindi mo lang alam
Nandito lang naman ako

Tinatago sa pader ng paglilihim
Aking totoo at matagal nang pagtingin sa′yo
Hindi na makatiis ang puso kong
Nag-aabang lang sa muling pagpapakita mo

Sana'y aking mapigilan ang sarili
Na damdamin sa iyo′y biglang masabi
Hindi pa kasi ako handa
Sa magiging reaksyon ng iyong mukha

Hindi mo lang alam
Nandito lang ako
Hinding-hindi ko ipaaalam
Na nag-aantay lamang ako

Nakatago sa pader ng paglilihim
Dahil alam kong ligtas ang aking pagtingin
Dito kung saan payapa lang akong
Nakaabang lang sa muling pagpapakita mo

Daftar lirik lagu Mei Teves