Titig

MC Einstein , Flow G, Jekkpot , Yuridope

Ewan ko kung pa′no ko bibitbitin 'yung pagtingin ko
Kasi kung hanggang tingin lang ay bitin
Ayoko rin naman ′to kimkiminKaso mukhang hindi ko pa rin 'to sa 'yo kayang banggitin
At baka isnabin mo lang at ′di mo pansinin
Bitin kahit na empi, beer at gin ang inumin
′Yung tapang ay wala pa rin, sa'n ko hihiramin?
Kahit maglasing, wala rin kung paggising ko, duwag pa rin

Pa′no sasama kung hindi ako nag-aaya?
Pa'no tatama kung hindi ako tumataya?
Minsan iniisip ko na ′wag na lang kaya
Kaso yung isip ko ay nagbabago din maya-maya
At sobra sa pag-asa, kulang sa kumpiyansa
Kaya mukhang malabong magka-tiyansa
Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo, Basha
'Yan ang matagal ko nang pantasya

Matagal na kitang sinusundan
Tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay ′di tingnan sa malayuan
At pinag-iisipan ko kung anong paraan
Para ikaw ay malapitan
Kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala
Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay ′wag mapahiya

′Di lang ako kumikibo, matagal nang tumitibok
Ang puso ko para sa 'yo kaso minsan kumikirot
′Di ko kasi masabi, 'di ako umaarte lang
′Di ko lang alam kung pa-paano aatake
Kasi baka naman ako ay tablahin
Kaya tinatak sa isip ko na 'wag nang tangkain
Panaginip lang lahat ng ′yon, ako ay tampalin
Para gising na 'ko, tamang panahon, aantayin ko na lamang

Kasi wala naman masama sa magtiyaga
Kung para sa akin ka, eh, 'di mag-aabang ako
Hanggang sa mayro′ng mapala
Kaso wala naman magaganap
Lalo′t na 'pag wala ako ginawa
′Tsaka baka mamuti lang ang mata
'Pag nag-antay ng himala

′Di naman malabo na mapansin mo ko
Kapag 'di ako nagtatago
Kailangan ko lamang na maging matapang
Kung gusto ko na magka-tayo
Wala naman kasing ibang paraan
Kung sa takot ay magpapatalo
Kawawa lang ako, puro lang tingin sa malayo
Kailangan ko ng pagbabago kasi...

Matagal na kitang sinusundan
Tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay ′di tingnan sa malayuan
At pinag-iisipan ko kung ano ang paraan
Para ikaw ay malapitan
Kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala
Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay ′wag mapahiya

Kay tagal na din pala kung iisipin mo
Kaso hindi ko pala ′to alam, sino'ng sisisihin ko?
Kundi sarili ko na labis ang takot na baka mapahiya lang
Torpe man na kung ituring ay wala akong pakialam
Sa sasabihin ng mga hibang na walang pake sa nararamdaman
Sana at iyo ′tong maramdaman na mahal kita nang hindi mo alam
Nabihag mo kasi, ganda mo pang-fantasy
'Yan ang pinoproblema ko, ako ay simple lang kasi

Pa′no ba kita mapapaibig? (mapapaibig)
Sa mga mata'y ′di makatitig ('di makatitig)
Baka diskarte ko magkaloko-loko
Kaso hindi ko na mapigilan na ika'y masolo ko

Sa pa′nong atake kita makakausap?
Hindi ko mawari, baka ika′y magulat
'Pag ako′y lumapit na, kaba sa dibdib ko'y matik na
Nais ko lang ay malaman mo na noon pa man ay matagal na kitang...

Matagal na kitang sinusundan
Tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay ′di tingnan sa malayuan
At pinag-iisipan ko kung ano'ng paraan
Para ikaw ay malapitan
Kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala
Sa ′king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya

Matagal na kitang sinusundan
Tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay ′di tingnan sa malayuan
At pinag-iisipan ko kung ano′ng paraan
Para ikaw ay malapitan
Kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala
Sa 'king ginagawa na ′pag ka tumaya ay 'wag mapahiya

Daftar lirik lagu MC Einstein