Kahon! Laryo! Pinto!
Halina kayo!
Tahanang ′to, ang pamilya ay kompleto
Puno ng musikang tila ba lahat sadya
Aking pamilya, mga bituin sa langit
Nagniningning, may husay na kumikinang
Whoa, mahal naming Abuela, siya ang boss
Whoa, at dinala kaming lahat dito
Whoa, isang biyaya ang bawat taon
Kay rami pa'ng dapat malaman niyo, uy!
Eto ang pamilya Madrigal
Eto ang tahanang Madrigal (oh, nandiyan na!)
Lugar kung sa′n mga tao'y tila may mahika
Pamilya ko 'to, ang Madrigal
Grabe, andiyan na sila (sabihin mo na)
Hindi ko alam kung kanino′ng ano (hindi ko na maalala ang lahat ng galing)
Oh, sige na, sige na, kalma
Pa′no? 'Di namin kayang kumalma
Sabihin mo na! Ano′ng kapangyarihan mo?
Ano ba kasi'ng nagagawa niyo?
At kaya nga pangmatanda lang ang kape, eh
Si Tiya Pepa, kakambal niya ang klima
′Pag malungkot, ang panahon naloko na
Si Tiyo Bruno ('wag ikuwento si Bruno!)
Noon, siya′y manghuhula na nawalang bigla
Oh, ang nanay ko, Julietang may galing
Whoa, na manggamot sa kanyang lutuin
Whoa, gamot na tunay kanyang pagkain
Galing, 'di ba? Nanay ko yata siya, 'Nay!
Eto ang pamilya Madrigal
Eto ang tahanang Madrigal (makikiraan po!)
Oo, puno nga ng hiwaga at ng mahika
Uy, pamilya ko ′to, ang Madrigal
Umibig sila sa mga Madrigal
Parte na sila ng mga Madrigal
Bale Tiyo Felix ang kay Pepa, at si Tatay kay Julieta
At ′yon, lola na ngayon si Abuela Madrigal
Heto, heto
Sumpang palaging sa inyo'y tutulong
Nang ang milagro ay tuloy ang sulong
Mundo at baryo, tuloy ang gulong
Sipag at katapatan ang bubuhay sa milagro
Ang bawat kapamilya, apoy ng ating milagro
Teka, sino′ng kapatid at sino'ng pinsan?
Ang dami namang tao no′n (pa'no niyo natatandaan lahat?)
Sige, sige, sige, sige
Daming bagets, ′sang bubong, kaya makinig na
Bakit raw? Eto na mga apo ni Lola (apo ni Lola)
Pinsang Dolores, tenga'y kay talas
Camilo'ng ′yango, Antonio′y bibigyan pa lang
At sina ate Isabela at Luisa
May malakas, may walang kapintasan
(Isabela) bulaklak bigay niya'y saya
(Isabela) ang anak na huwaran daw
(Luisa, Luisa, Luisa, Luisa) si Luisa, kay lakas
Ganda′t lakas, walang kapintas
Eto nga ang buhay Madrigal (whoa-oh-oh-oh)
Eto ang pamilya Madrigal (whoa-oh-oh-oh)
Oo, puno nga ng hiwaga at ng mahika (whoa-oh-oh-oh)
At 'yun na nga ang pamilya Madrigal
Adiós! Oh!
Pero ano′ng galing mo?
Huh, ay, may gagawin pa ang mga Madrigal (whoa-oh-oh-oh)
Nakuwento ko na, pamilya ng Madrigal (whoa-oh-oh-oh)
'Ala ′kong balak na ang buhay ko ay makalkal (whoa-oh-oh-oh)
Balik na tayo, pamilya ng Madrigal, ando'n!
(Pa'no si Mirabel?) Una si Abuela, tapos Tiya Pepa, kakambal ang klima
(Pa′no si Mirabel?) Tanggal ang sakit mo kay Nanay Julieta at kanyang arepa
(Pa′no si Mirabel?) Tatay Agustin, lagi lang naaaksidente
(Pa'no si Mirabel?) Eh, sabi n′yo, gusto niyong kuwento kaya sina ate at pinsan ang...
(Mirabel) si 'insang Camilo, tiyak akong papatawanin ka
(Mirabel) si ′insang Dolores, isang milyang layo, dinig ka pa
(Mirabel) ay, si Mr. Mariano, kung gusto mo si Ate pakasalan
(Mirabel) pero eto lang, minsan may pagkadonya siya, hindi-
Mali, ay, sige, aalis na nga ako (Mirabel)
Pamilyang kay husay (Mirabel)
Eh, siyempre, pamilya ko (Mirabel)
Kasi... (Mirabel!)