Hanggang Ngayon

KYLA

Sa king pag-iisa, alaala ka

Bakit hanggang ngayon ay ikaw pa rin sinta

At sa hating gabi, sa pagtulog mo

Hanap mo ba ako hanggang sa paggising mo

Kailanman ika'y inibig ng tunay



(Wag mong limutin, pag-ibig sa kin)

Na iyong dinadama

(Pintig ng puso, wag mong itago)

Sa isang kahapon sana'y nagbalik

Nang mapawi ang pagluha

Bat hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal



Di makapaniwala sa nagawa mong paglisan

O kay bilis naman, nawala ka sa akin

O ang larawan mo, kahit sandali

Aking minamasdan, para bang kapiling ka

Dati kay ligaya mo sa piling ko



(Wag mong limutin, pag-ibig sa kin)

Na iyong dinadama

(Pintig ng puso, wag mong itago)

Sa isang kahapon sana'y magbalik

Nang mapawi ang pagluha

Bat hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal