Maghihintay Ako

Jona

Yakapin mo ako nang mahigpit
Bago ka umalis, mmm-mmm
Hawakan mo ang aking kamayAt muli mong hagkan bago ka lumisan

Maaari bang sabihing muli
Na ako lang ang ′yong mahal?
At wala nang ibang hahadlang, mmm-mmm
Sa ating pagmamahalan

Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik
Nandito lang ako, ano man ang mangyari
Baunin mo sa ′yong pag-alis
Mga ligaya ng nakaraan
Maghihintay ako

Bakit pa ba kinakailangan na ikaw ay lumisan
Upang abutin, pangarap natin?
Ako'y umaasa at nagdarasal
Na tayo'y muling magsasama

Maghihintay ako sa ′yong pagbabalik
Nandito lang ako, ano man ang mangyari
Baunin mo sa ′yong pag-alis
Tibay ng damdamin at pagmamahal

Mawawala ka man dito sa 'king tabi
′Di ko 'pagpapalit ang ating pag-ibig
Mananatiling tapat sa pangako
Handang maghintay sa gitna ng lumbay

Maghihintay ako
Maghihintay ako
Maghihintay ako
Yakapin mo ako nang mahigpit
Bago ka umalis