Pagsuko

Jireh Lim

Maaari ba muna natin ′tong pag-usapan?
Sa dami-rami na ng ating pinagdaanan
Ngayon mo pa ba maiisipang isukoAng lahat ng ating pinagsamahan?

Masikip sa damdamin, hinigop ng hangin
Ang lakas, pinanghihinaan nang wagas
Pwede bang pag-isipan? Huwag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay maisalba pa

Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati

May pag-asa pa ba kung susuko ka na?
Larawan mo ba'y lulukutin ko na?
Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama
Damdamin mo tila′y napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na

Bawat pangarap na ating pinag-usapan
Pupunta na lang ba ito sa wala?
Hayaan mong ituwid ko ang pagkakamali
Sa mga oras na 'to, alam ko, ikaw ay lito

Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati

May pag-asa pa ba kung susuko ka na?
Larawan mo ba'y lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama
Damdamin mo tila′y napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na

May pag-asa pa ba kung susuko ka na?
Larawan mo ba′y lulukutin ko na?
Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na

Oh (kung susuko ka na)
(Larawan mo ba′y lulukutin ko na?)
(Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama) oh
(Damdamin mo tila'y napagod na)
Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na