Umibig Muli

Janine Teñoso

Nangangamba
Yakap ang bawat sandali
Wala ka na sa ′king tabi'Di ko maiwasang manlamig

Nagtataka
Kay bilis lumipas ng dati
Noon, may ganang umibig
Ngayon, hindi ka na sa ′kin nakatingin

Iniisip na lang
Na lahat ng sakit ay may dahilan

Ooh-ooh-ooh
Minamasdan kita habang hagkan-hagkan mo s'ya
Ooh-ooh-ooh
Ako ay mag-isa at masaya ka sa iba

Ngunit kahit 'di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At kahit ngayon, ang puso ko ay nasawi
Balang araw, ako ay matututo ring umibig muli

Bakit kaya
Lahat ng ito′y nangyayari?
′Di mapigilang humikbi
Gaano katagal magtitiis?

Tumingala
Kahit gulong-gulo aking isip
'Di maiwasang pumikit
At isuko ang sakit sa langit

Oh-oh
Iniisip na lang (iniisip na lang) na lahat ng "bakit" ay may kasagutan

Ooh-ooh-ooh
Minamasdan kita habang hagkan-hagkan mo s′ya
Ooh-ooh-ooh
Ako ay mag-isa at masaya ka sa iba

Ngunit kahit 'di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At kahit ngayon, ang puso ko ay nasawi
Balang araw, ako ay matututo ring umibig muli, oh-ooh

Ooh-ooh
Umibig muli (ooh)
Ngingiti na lang
Lahat ng sakit ay may dahilan