Mga ilaw sa daan, nakikisabay sa liwanag ng buwan
Habang ako′y nakatingin sa kawalan nang hindi mo pansin
Mga taong nalampasan ng apat na gulong na akin ngang sinasakyanSa inipong usok ay bitin na nakaipit sa gitna at pangbituin
Tuloy-tuloy sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo
Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw
Mga tao sa daan, sila'y sabay-sabay sa paggawa ng paraan
Upang lapitan ang lasing na unti-unting umiikot ang paningin
Tuloy-tuloy sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo
Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw
Ooh-ooh, ooh, ooh-ooh, ooh
Ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh
Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw
Kung makikita mo naman
Tumatalon, sumisigaw
Hindi mo na mapipigilan
Sulitin mo ang buong gabi