Aking Prinsesa

Gimme 5

Wala akong pera, walang magarang sasakyan
At kung sasabihin, ako ay simpleng tao lang
Alam ko namang sadyang magkalayo ang ating mundoPero aking maipapangakong

Araw-gabi, kaya kitang pagsilbihan
Hatid at sundo, ako ay lagi lang nandiyan
Pangako sa ′yo ay 'di na kita iiwanan

Mahal kitang labis, susubukan ko kahit
Wala ′kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya, oh, aking prinsesa

Aking mundo ay tila bang nakidlatan
Sa panaginip ay lagi kang nakaabang
Hindi makatulog, hindi ka maalis sa isipan ko
Kaya aking naipapangakong

Malayo man ay akin pa ring pupuntahan
Kahit ang pera ko ay 15 pesos lang
Lahat ay gagawin upang makasama ka lang

Mahal kitang labis, susubukan ko kahit
Wala 'kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo′y magkasama
Dala ko ay ligaya

Mahal kitang labis, susubukan ko kahit
Wala ′kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya, oh, aking prinsesa

′Di ka iiwan, laging sasamahan
'Di pababayaan, ′di ka sasaktan
Hindi ka iiwan, laging sasamahan
'Di ko itatago ang nararamdaman

Mahal kitang labis, susubukan ko kahit
Wala ′kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya

Mahal kitang labis, susubukan ko kahit
Wala 'kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo′y magkasama
Dala ko ay ligaya, oh, aking prinsesa