Araw

Flow G

′Wag mo sanang iisipin napapagod na 'ko
′Di ako apurado pero sa 'yo ano ba 'ko?
Gusto ko lang kasi makasigurado
Matagal na panahon na kita balak tanungin
May pag-asa ba ′ko, bakit ′di pa sagutin?
Sabihin mo, ano pa ba ang dapat kong gawin?
Bukod sa araw-araw kita dapat mahalin
Pero 'wag mag-alala kasi hindi ako titigil
Kung ′di ka pa handa, 'di naman ako mainipin
′Di pa kita pipilitin, tuloy-tuloy ko lang 'to gagawin
Na araw-araw kita dapat mahalin

Araw-araw kita love, dati ayaw ko gawin lahat
Pero ngayon dahil sa ′yo hindi na 'ko tamad
Kahit na anong iutos mo tinutupad
Sunod agad kasi yung kapalit ki-kiss mo sabay hug
Galawang binatilyo, mabait na pilyo
Sumipag magsipilyo kasi baka amuyin mo
Tinigil ko lahat pati alak at sigarilyo
Kasi gusto ko iikaw na lang ang aking bisyo
Laging bumibili ng pabangong matapang
Kagaya ko na sa lahat, handa kang ipaglaban
Ikaw ang dahilan kaya ko nagawa 'yan
Ang daming nabago sa′kin nang hindi ko namamalayan

Tumataya ako ng pati pato pagdating sa ′yo
Nandyan agad ako 'pag kailangan, darating ako
Hatid-sundo ka lagi kaso natatakot na ′ko
Kasi 'di ko sigurado kung sasagutin mo ba ′ko

'Wag mo sanang iisipin napapagod na ′ko
'Di ako apurado pero sa 'yo ano ba ′ko?
Gusto ko lang kasi makasigurado

Matagal na panahon na kita balak tanungin
May pag-asa ba ′ko, bakit 'di pa sagutin?
Sabihin mo, ano pa ba ang dapat kong gawin?
Bukod sa araw-araw kita dapat mahalin
Pero ′wag mag-alala kasi hindi ako titigil
Kung 'di ka pa handa, ′di naman ako mainipin
'Di pa kita pipilitin, tuloy-tuloy ko lang ′to gagawin
Na araw-araw kita dapat mahalin

Araw-araw kita love, tandaan mo basta 'wag na 'wag
Mong sasabihin na hanggang dito lang lahat
Hindi magrereklamo ′to kasi hindi pa tayo
Alalay mo ′ko sa lahat ng bagay, tagapayo
Tagabitbit ng gamit mo palagi para lamang
'Wag kang magbubuhat ng mabigat, akin na nga yan
′Wag mo lang maramdaman kung pa'no mahirapan
′Pag mabigat ang 'yong dinadala ay dadamayan
Kahit ′di ako macho, ito ang tandaan mo
'Di ka pwedeng bastusin 'pag magkasama tayo
Hindi ako papayag mahipuan ka sa kanto
Hay nako, makikipagsapukan talaga ′ko

Tumataya ako ng pati pato pagdating sa ′yo
Nandyan agad ako 'pag kailangan, darating ako
Hatid-sundo ka lagi kaso natatakot na ′ko
Kasi 'di ko sigurado kung sasagutin mo ba ′ko

'Wag mo sanang iisipin napapagod na ′ko
'Di ako apurado pero sa 'yo ano ba ′ko?
Gusto ko lang kasi makasigurado

Matagal na panahon na kita balak tanungin
May pag-asa ba ′ko, bakit 'di pa sagutin?
Sabihin mo, ano pa ba ang dapat kong gawin?
Bukod sa araw-araw kita dapat mahalin
Pero ′wag mag-alala kasi hindi ako titigil
Kung 'di ka pa handa, ′di naman ako mainipin
'Di pa kita pipilitin, tuloy-tuloy ko lang ′to gagawin
Na araw-araw kita dapat mahalin

'Wag mo sanang iisipin napapagod na 'ko
′Di ako apurado pero sa ′yo ano ba 'ko?
Gusto ko lang kasi makasigurado

Daftar lirik lagu Flow G